
Maraming nagtatanong ano ba ang bagay na maaari mong ihalintulad sa iyong pagkatao?. Ibon, yan ang unang pumapasok sa isip natin. Gusto nating maging malaya, makapunta sa iba’t- ibang panig nang mundo. Ngunit para sa akin may isang bagay na talagang maihahalintulad ko sa aking buhay at pagkatao. Bilang isang bagay maihahalintulad ko ang aking sarili sa isang libro. Sa bawat pahina ng libro ay may iba’t ibang kwento ang iyong malalaman, mga pagsubok na pagdaraanan ngunit iyong kapupulutan nang aral. Bukas ako sa lahat nang taong gustong malaman ang aking kwento at gusto akong mas makilala pa. Bilang isang libro, ako yung tipong walang pabalat dahil wala akong tinatago at totoo ako sa aking sarili.
Ika nga nila “Dont judge the book by its cover”. Huwag tayo maging mapanghusga lalo na sa mga taong hindi niyo pa nakikilala, maaring may dahilan sila kung bakit sila naging ganoon (people change). Iwasan ang panghuhusga upang mas maging maganda ang pamumuhay at pakikisama.